“ANO NA? SABIHIN MO NA!” galit na galit na sumisigaw ang ama-amahan ko
sa’kin.
“Hindi ko ho alam kung anong tinutukoy niyo,” ang takot kong sagot sa
kanya habang ang dalawang lalaki sa magkabila kong tagiliran ay hawak-hawak ako
ng mahigpit sa braso.
“ABA, MAGSISINUNGALING KA PA?” sabay senyas sa isa niyang tauhan. Sinimulan
akong suntukin, sipa-sipain. Halos maisuka ko ang hapunan kong kanin at
galunggong.
“Hindi!” –maubo-ubo akong nagsasalita sa pagitan ng mga pananakit.
“Wala ho akong maintindihan.”
“STUPIDO!” at nakatanggap ang kaliwang pisngi ko ng isang nakabibinging
sampal.
Napulot lang ako sa damuhan.
Pitong taon ako noon nang maratay
sa banig ng karamdaman ang nakalakihan kong ina. Sa batang edad, namulat na ako
sa gutom at hirap ng buhay. Pakiramdam ko’y kilala ko na ang mundo ko.
“Toy,” ang mahinang tawag sakin
ni nanay isang gabi. “Toy, alam mo naming ampon lang kita di’ba?” Tumango
ako bilang pagtugon. “Ang totoo niyan ay
napulot lang kita doon sa may talahiban sa bakanteng lote.” Naiiyak na ko
sa kalagayan ni nanay. “Pero kahit
ganoon, huwag mo sanang iiwan ang asawa ko pag nawala ako. Ha? ‘Toy.” Wala na
kong nagawa non kundi ang umiyak sa tabi ng higaan ni nanay.
“Pinalaki kita, pina-kain, pinag-aral. Tapos ito igaganti mo sakin?
Ha!” Habang nakasabunot ang kaliwang kamay ni Tatay sa buhok ko upang itingala
ang bugbog ko nang mukha. Malabo na ang paningin ko at wala na sa tamang
ulirat. “Dumaan lang ho ako sa bilyaran.”
“OO NGA, OO NGA!” Sabay laglag ng ulo ko sa aking dibdib nang binitawan
niya ng pabagsak ang buhok ko. “Sinong kinausap mo don?! Anong nangyari?”
Iritang-irita na siya.
Tumingin ako sa paligid at nakita ang lalaking kaninang bumubugbog
sakin na nakaupo sa tabi ng lamesa. Nauuhaw
na ako. Tiningnan ko ang lamesa at nakita ang nag-iisang lampara na siyang
nagbibigay liwanag sa maliit na lugar na ito. Habang ang mga kulisap ay patuloy
ang pag-ikot sa nagbibigay liwanag na iyon.
Laruan ko ang damuhan. Tuwing
uwian galing sa klase, ang deretso naming magkakaklase ay sa malawak na damuhan
malapit sa bahay. Doon, magpapalipad kami ng mga sariling-gawang saranggola.
Pakiramdam ko, ako ang lumilipad habang ang saranggola ay nasa himpapawid.
“Pataasan ng lipad!”
“Oo ba!”
“Woah! Ang lakas ng hangin!
“Ahhh.. Ang sarap lumipad!”
Makakauwi sana na masaya kung
hindi dadatnan si Tatay na sa bahay na nakikipag-inuman. Uutusan ako, tatawanan
at pag lasing na, mabubugbog. Wala akong magawa noon, isa akong bata.
Pinilit akong itayo ulit
pagkatapos mahampas ang mga tuhod ko. Hindi
ko na maramdaman ang mga binti ko. Nagsindi ng ikatlong sigarilyo si Tatay.
Pagka-ihip at pagka-buga, umupo sya sa upuan na nasa tapat ko. “Alam mo kung
pano ako magtiwala ‘Toy. Ibinigay ko sa’yo ang supot dahil pinagkatiwalaan
kita.. KANINO MO BINIGAY? May diin ang huli niyang pangungusap. Inaalala ko ang
pangyayari nang gabing iyon pero mas lumang larawan ng nakaraan ang pumapasok
sa isip ko…
Nasaktan ako sa damuhan.
Ikalawang taon ko sa highschool nung una kong makita si Anne sa silid-aklatan
sa aming paaralan. Sa silid-aklatan ako lagi nakatambay; hindi dahil sa mahilig
ako magbasa kundi dahil mahilig ako matulog. Second year din sya at matalino
samantalang ako, last section. Kaya talaga namang nahihiya ako sa kanya.
Utak-manok ako pero napatunayan kong hindi naman nang maka-isip ng paraan para
mapalapit kay Anne. Nagbasa ako ng mga libro sa panitikan para gumaya ng mga
linya tungkol sa pag-ibig. Inaabot ko sa kanya ang mga sulat tuwing hapon. Di
sya sumagot kahit isang bes pero patuloy pa din ako. Hanggan sa isang araw,
nakatanggap ako ng sulat.
Magkita daw kami sa damuhan sa
likod ng silid-aklatan. Ako na yata ang pinaka-masaya noon habang nag-aantay sa
kanya. Ngunit bigla iyong napawi nung kinausap na niya ko.
“Tigilan mo yung kalokohan na
ginagawa mo. Hindi kita gusto at walang kwenta sakin tong mga sulat na to.
Mabuti pa kung pag-aaral na lang ang atupagin mo.” At itinapon niya sa damuhan
ang mga sulat. Nasaktan ko. Naiyak nalang ako sa sobrang sakit.
“Sasabihin ko na! Sasabihin ko na! Tama na, ayoko na!” Natigil ang mga
masasakit na sipa at hampas. “Siguraduhin mo lang na totoo yang sasabihin mo.”
“Oho, totoo ho. Sasabihin ko na.”
“Oho, totoo ho. Sasabihin ko na.”
“Dala-dala ko yung supot nun sa bilyaran. Nakita ako ni Mang Erni at
kinausap. Iniabot ko ho sa kanya ang supot. Di’ba ayaw niyo nang makita yon?
Hindi niyo na yun makikita kahit kailan! Wala na, wala na!” Nasa hinuha kong
magagalit siya.
“ANAK NG TOKWA! WALA KA TALAGANG KWENTA!” Sabay batok, sampal at kung
anu-anong pananakit dala ng sobrang galit.
“BUGBUGIN NIYO YANG STUPIDONG YAN HANGGANG MAGSAWA KAYO! At talagang
ipinahamak mo pala talaga ako! Wala kang utang na loob! Mabuti pang mamatay ka
na!
Buong buhay ko rin yata ay isang
malawak na damuhan. At si Tatay, ang malignong kinatatakutan ko na humahabol sa
akin sa malawak na damuhan na ‘to. Tumatakbo, paikot-ikot, makatakas lang sa maligno
na hindi lang takot ang dinala sa buhay ko.
Pulis si Tatay pero kahit kailan
hindi ko sya hinangaan.
Pinagmamalaki niyang isa daw
siyang bayani. Bayani marahil ng mga kriminal.
Tagapanatili daw ng kapayapaan.
Baka pasimuno ng kaguluhan.
Wala na kong magawa kundi ang
sundin ang konsensya ko ng gabing yon.
Inutusan ako ni Tatay noon na
ilayo ang natitirang mga droga na nakatago pa sa bahay. Pinaghihinalaan na daw
sya sa kanilang departamento. May nagsumbong. Natatakot sa biglaang pag-inspeksyon
ng mga nakatataas sa kagawaran nila.
Galit ako kay Tatay. Hindi, hindi
sa kanya. Galit ako sa mga masasamang ginagawa niya.
Ang pananakit kay Nanay na naging
dahilan ng pagkakasakit nito, ang pagkunsinti sa mga kriminal, ang pagkurakot, ang droga.
Bayani sa harap ng ibang tao
ngunit isa palang maligno. Isang demonyo ang tunay na anyo.
Iniabot ko ang supot kay Mang
Erni. At wala na akong paki-alam sa kung ano pang maaring magawa sa akin ng maligno.
Tiwala akong matitigil na ang maligno sa pagkalat ng mga lihim na lagim. Isang
mabuting pulis si Mang Erni. Hindi na talaga makikita ni Tatay ang supot.
Napulot ako sa damuhan, mamamatay
na rin siguro sa damuhan.
Matataas na talahib ang nakita ko
habang hila-hila ako kanina ng isang lalaki.
Hindi ko na maramdaman ang buong
katawan ko.
Pagod na ako – tulad ng sinabi ni
Nanay bago siya mamatay.
Ilang sandali nalang, alam kong
wala na ko. Napagtanto ko na.. mas mahirap ang mabuhay,
wala sa masama ang huling halakhak,
ang masaktan ay maaaring minsan lang.. hihilom din ang sugat,
bagaman masarap lumipad tulad ng saranggola, nakatali pa din ito, hindi makakalipad mag-isa,
at hindi ko pa kilala ang mundo ko. Sayang lang at maaga kong lilisanin ito..
wala sa masama ang huling halakhak,
ang masaktan ay maaaring minsan lang.. hihilom din ang sugat,
bagaman masarap lumipad tulad ng saranggola, nakatali pa din ito, hindi makakalipad mag-isa,
at hindi ko pa kilala ang mundo ko. Sayang lang at maaga kong lilisanin ito..
Lahok para sa Bagsik ng Panitik ng Damuhan.com
nalungkot naman ako dito. ang ganda. super. yung construction yung sequencing ng thoughts yung ginamit na mga salita. bongga talaga. =D
ReplyDeleteThank you Superjaid! :) Feeling ko nga magulo eh. Haha.
Deletesalamat po sa paglahok :)
ReplyDeletegoodluck po.....
ReplyDeleteThank you po. :)
DeleteAng lungkot ng ending. Para kang nandon sa mismong damuhan/talahiban at kausap si Totoy sa huling sandali ng kaniyang buhay.
ReplyDeleteSayang ang buhay ni Totoy.
Tama po, sayang. Nadala ako masyado ng mga makalumang movies. HAHA.
DeleteNapakahusay. :)
ReplyDeletehttp://iifatree.blogspot.com/
Maraming Salamat po! :D
Deletenosebleed naman ako sa Tagalog mung yan.. haha
ReplyDeleteOk, in ur question ms Jana: I live in Dumaguete City gurl!. here in Negros.. an island in Visayas region.. I know ur familiar with it!.
Haha. Tissue? :))
DeleteMalayo ka pala, I thought you're just here around Cavite.
congrats....hope you'll win
ReplyDeletefollowed you in here....
Thank you! :)
Deletenalungkot naman ako, pero ang ganda ng pagkakagawa.. goddluck! =)
ReplyDeleteNagbasa. Humusga. Good luck sa entry.
ReplyDeletehello! available na po yung badge para sa Top 10 finalist ng bagsik ng panitik http://www.damuhan.com/2012/05/sa-ngalan-ng-panitikan-bagsik-ng.html
ReplyDelete