May 15, 2012

Facebook Timeline

Tuesday. Usual, boring day. TV and net all day long.
Twitter, Facebook, Blogspot. Alt + Tab, paikot-ikot.
Nang bigla akong nainggit mag-tetris nung nakita ko sa Facebook Home ko yung isa kong friend na nakasent ng madaming lines. Edi laro naman ako. Siguro, 2 months din akong hindi naglaro nun. Tapos biglang sumingit yung kapatid ko, "Ate! Mata-timeline yang profile mo, naglaro ka eh."
Di ako naniwala nung una. Kontra-kontra pa ko sa kanya tapos nung tinamad na kong maglaro, at magpunta sa profile ko, ayun na nga. Timeline na. -_-

Hindi naman sa ayaw ko talaga mag-timeline pero ako kasi yung tao na hindi sumasabay sa uso. At isa pa, nag-aalangan akong mag-timeline kasi madami akong nababasa sa FB, naririnig, at nababalitaan na hindi nga daw maganda, magulo, etc.
Para sa'kin, ito yung ilan sa pros and cons sa Facebook Timeline:

Gusto ko ng Timeline kasi:

  1. Madaling kong makikita ulit yung mga past happenings na nailantad ko sa ibang tao.
  2. Madaling maka-access sa old photos. Di lang sa'yo, pati na friends mo. Kitang-kita pa agad kung kelan na-upload. Naka-timeline nga kasi.
  3. Kung mahilig ka lang din mag-stalk sa crushes mo, madaling-madali lang kung naka-timeline sya. Lalo na kung gusto mo pa lalo malaman kung anong nangyari sa kanya mula nang magkaron sya ng FB.
  4. All in one page na halos lahat.  
Ayaw ko ng Timeline kasi:
  1. Naguguluhan ako. Masyadong maraming nakalagay sa wall. Picture sa kaliwa, picture sa kanan, wall post dito, wall post dyan. Nahihilo ako. >.< Pero pwede naman yun alisin.
  2. Mabagal. Lalo na kung fail ang connection. Yung pagscroll down mo tapos hindi agad lalabas yung mga inaantay mo makita kasi mas madami pa dapat maunang magload.
  3. Cover photo. Matagal nga bago ko mapalitan yung profile picture ko, yung cover photo pa kaya? Haaaay. Mahina pa naman ako sa mga design-design na yan.
  4. Sa una, nakakawili balikan yung history, simula nang magkaron ng FB account, ganyan. Eh kaso, di ko naman laging gagawin yun eh.
  5. Wala lang, ayaw ko maki-gaya eh. Hehe.
Dahil hindi ko naman talaga sinasadya na magtimeline ako, parang labag lang sa kalooban ko na nagkaganon ang profile ko. Alam mo yun, binigla ka kasi. Hindi ako ready! Hahaha. Drama lang.
Ayun,sa mga di pa naka-timeline kung ayaw niyo pa, ingat lang sa paggamit ng applications sa Facebook, baka mabigla din kayo tulad ko. At sa mga naka-timeline na tulad ko, Hooray! Let's party! Chos. 
I must accept change. HAHA. Pero sa totoo lang, unang-una kong nagustuhan ang Facebook dahil sa simplicity nito. Pero kung nagiging bongga na talaga, wala naman akong magagawa.
Sa May 22 pa daw legally magiging timeline ang FB profile ko. Sa ngayon, ako palang daw nakakakita. Pero kung gusto niyo ko i-add as friend, sure! Why not? Click ME!
Ayun, opinion ko lang naman to. Kayo? What do you think?

9 comments:

  1. Andami ngang may ayaw sa timeline. Pero lol wala naman tayong choice. Hehehe :)

    Nakakasawa lang yung layout nya. Sana pwede ding icustomize. Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tomo. No choice at gusto ko din sana i-customize! Haaaay.

      Delete
  2. Hay nako aminin na lang natin,, kahit ano pang gawin ng facebook ,LAOS na talaga cLa!. facebook is getting boring ;-(

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're quite right. Pero Facebook lang kasi ang communication ko with my closest-but-physically-far friends. Hehe. So, I'm still into Facebook.

      Delete
  3. naku, ayaw mo man tanggapin pero nakatimeline na rin ata ako...., wala naman akong alam na pinagmulan nun,.... ako naman kase si dalaw2 sa mga profile pages lang...., tas viola meorn na akong timeline, kaathar lang...kaya nga di naq maxado sa FB eh, twitter ang blog lang hehehe :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. Ang kulit lang. O di'ba, ginugulat nalang tayo basta-basta ni Facebook. May twitter ka? I'm into twitter too! Let's tweet! :D

      Delete
  4. Facebook vs. Twitter sa FB nalang ako. Nalilito kasi ako sa twitter eh. Hmmp.

    But I agree with Umi sana pwedeng icustomize ang profile lay-out natin sa FB gaya lang ng Friendster dati. Hehehehe.

    Follower #42 here! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. Medyo madali lang naman ang twitter pag natagalan mo na syang gamitin. Nalito din ako dun at first eh. :))
      Yeah-yeah! Dapat nga may customize! Ka-miss tuloy ang Friendster days. Haha.
      Thanks much for the follow! :)

      Delete
  5. I ♥ my Facebook's Timeline!
    And I agree with Umi na sana pwedeng i-customize ang timeline.
    ****

    Okay, you'll go for the letter "S".
    Malayo pa naman so you can make it.
    Salamat sa pagsali.
    Your name will appear in here:http://mr837.blogspot.com/p/z-guest-post.html

    ReplyDelete

Let me hear your thoughts!

< > Home
emerge © , All Rights Reserved. BLOG DESIGN BY Sadaf F K.