Nov 24, 2013

Draft

3rd year BSA
Wala sa hinagap ko nung elementary at high school na puro numbers ang makakaharap ko pagdating ng college. Pangarap ko kasi talaga noon pa na maging medical doctor, specifically, paediatrician. Pero ewan ko ba, dito ako nalagay sa talagang kabaliktaran ng kung anong pinag-aaralan ng mga magdodoctor.
Hindi ko rin alam kung bakit yung isa pa sa pinaka-mahirap na course yung kinuha ko. Wala masyadong memorization pero puro analysis. Mula sa pagrecord ng transaction hanggang sa matapos ang isang buong accounting period, hanggang infinity (dahil sa principle ng going concern) pwera nalang kung mabankrupt at maliquidate ang business. Pero hanggang doon, puro analyzation. Basta, kung BSA student kayo, siguradong maiintindihan niyo ko ng bongga.
Gusto ko lang naman i-share yung challenge na nararanasan ko. Sa totoo lang kasi, di ako ganoon katalino. Siguro medyo fast learner pero kung gano kabilis makagets, ganun  din naman kabilis makalimot. Slow pa nga kadalasan eh. Di rin ako ganon kasipag mag-aral. Ngayong college ko nga lang na-experience yung halos 3-5 hours tuloy-tuloy na aral, walang break. Eh nung high school nga, nakaka 1 hour lang ako. Di pa nga reach. Pero wala eh. People change. People need to change for some reasons.
Alam mo yung experience na nageexcel ka nung high school kahit happy-go-lucky ka lang sa pag-aaral, pero ngayon, wala na. As in WALA. Mahirap din pala masanay ng ganun. Masakit sa puso. Lol. Pero kailangan i-accept na talagang may mas best pa talaga sa’yo at kailangan ng effort para mag-excel.
Nakakatuwa lang din minsan. Yung tipong bagsakan na rin yung grade(actually di naman sya literal na bagsak, di lang abot sa cut-off grade) edi medyo sisipagan na yung pag-aaral, nagiging positive, tapos pray. Leave everything to God’s hand.  Masarap lang sa feeling yung ginawa mo na yung part mo, you did your best, so nothing to worry anymore because God will now do His part, just trust. After nun, namalayan ko nalang, pasado ako. Although hindi ganung kataas yung grade, pero so much thankful.
Masaya rin. Kapag may gantong klase ng thrill yung buhay. Daming lessons in life.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagbbrowse ako sa mga documents ko nung makita ko yung mga drafts ko para ipost sa blog. Mga 8 MS Word documents na sinimulan kong isulat this year at wala ni isang natapos. Di pa kasama yung mga drafts dito sa blog at 3 short story drafts sa notebook ko. Di ko alam kung anong nangyari. Basta naging ganto nalang talaga ako bigla. 
Pumili lang ako ng isang draft na parang medyo tapos. At iyan yun. Wala na kasing kwenta talaga yung iba, kahit english pa sila. Nakakatawa lang na ang non-sense pala ng mga pinag-iisip ko. Pero at least gumagana, di'ba?
At ayun nga, naka-abot naman din ako ng 3rd year BS Accountancy. Hopefully maka-abot hanggang Board Exam at makapasa, by God's grace.
Kbye. Mag-aaral na po ako. 

1 comment:

  1. "Masarap lang sa feeling yung ginawa mo na yung part mo, you did your best, so nothing to worry anymore because God will now do His part, just trust. After nun, namalayan ko nalang, pasado ako. Although hindi ganung kataas yung grade, pero so much thankful.
    Masaya rin. Kapag may gantong klase ng thrill yung buhay. Daming lessons in life...."
    nice and i like these words...God bless

    ReplyDelete

Let me hear your thoughts!

< > Home
emerge © , All Rights Reserved. BLOG DESIGN BY Sadaf F K.