Feb 10, 2012

A letter to self


Day 41: Write a letter to yourself stating all the things you love about yourself.

Dearest Jana,

Kamusta ka na ba? Tagal kong di nakasulat sayo simula nung tinago mo yung matabang notebook mo. Sayang, dami na sana nating napag-uusapan kung tinuloy-tuloy mo lang pagsulat mo. Pero okay lang, kung san ka masaya, suportahan ta ka. Kaso di magandang tinatago mo yang nararamdaman mo. Alam ko naming di ka ganon kagaling sa pagsusulat pero gustong-gusto ko yung nakakagawa ka ng mga short story. Kahit yung mga tula mong balu-baluktot. Aba malay mo naman dumeretso di’ba?
Kamusta na pala ang relationships na meron ka? Friendships? Alam mo, okay kang kaibigan eh, feeling ko. Ewan ko sa iba. Wala ka naman kasing kagalit ngayon, kahit sino. Minsan talaga may advantage yang pagiging who cares mo. At least di mo masyadong nararamdaman yung mga criticisms, gossips, at kung ano pa. Di tulad dati,(alam mo na kung ano yun.) Maganda din talaga ang changes. Napansin ko na nagiging mature ka na talaga. Okay lang yan, di naman tayo pabata eh. Okay lang kahit sabihan ka na para kang matanda para sa age mo. At least, nakikita sa actions mo na di ka batang-isip.
Naaawa ako sa’yo minsan pag mababa ang tingin mo sa sarili mo. Wag na wag mo iko-compare ang sarili mo sa iba dahil ikaw ay hindi sila. May mga talents ka at ideas na wala sa iba. Ako lang minsan ang nakakaalam kasi mahiyain ka eh.
Gusto ko yung pagiging marunong mo sa music. Marunong ka tumugtog na gitara at ng piano. Di ka talaga ganun kagaling pero as long you’re using it for God’s glory, you are the best in His eyes. Appreciated ka naman eh, appreciate na appreciate nga kita. Haha.
Masipag ka naman, wag lang talaga papasok sa isip ang pagiging tamad. Sayang lang yung mga unfinished business. Di ka madaling magalit sa ibang tao, mahaba din ang pasensya mo sa kanila. Maganda yan, di ka agad magkakawrinkles. Pwera nalang sa kapatid mo at sa sarili mo. Ewan ko ba sayo. Hypocrite ka ba?
Family-oriented, mabuting ate, mabait na anak, masunuring bata. Ikaw kaya yan. Masaya ako para sayo dahil ganyan ka. Wag ka magbabago.
I know, you are really a frustrated writer, a frustrated sanguine, and a frustrated musician. Wag ka na mafrustrate, papanget ka eh. Maganda ka, tototo yun.

Yourself,
Jana

2 comments:

  1. I like the last part, TOTOO yun! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. I only trust the person who wrote this letter. HAHA.

      Delete

Let me hear your thoughts!

< > Home
emerge © , All Rights Reserved. BLOG DESIGN BY Sadaf F K.