maikling part lang to ng nabasa ko. wala lang, gusto ko lang sya iblog. antagal kasi matapos nung maikling kwento niya eh.
"Humakbang paunahan si Mario, malapit sayo at nagsalita ng pabulong sa tenga mo ng dahan-dahan, “Tol, pasensya ka na. Akin na ang mahal mo.” Sabay ngisi ng tusong matsing. Inakbayan nito ang babae, patunay na sila na nga. Natulala ka nalang, kasabay ng tunog ng bell, nagsulputan na parang mga kabute ang mga estudyante. Maingay ang paligid mo pero pakiramdam mo, nabibingi ka ng katahimakan ng sakit na nararamdaman mo. Hinawakan ka sa braso ng mahal mo na ngayon ay pagmamay-ari na ng iba. Hinawakan ka niya, pagpaparamdam ng paghingi na tawad. Tiningnan mo sya sa mukha at nakita mong muli ang maganda niyang ngiti. Wala ka ng nagawa kundi gantihan din sya ng isang malungkot na ngiti. Naglakad ka na palabas ng kanilang bilding, naramdaman mo nalang na unti-unting tumutulo ang mga butil ng luha sa iyong pisngi. Kung pipigilan mo ito, masakit sa dibdib kaya hinayaan mo nalang. At iyon nga si Mario, ang tusong matsing."
itutuloy.. :D
No comments:
Post a Comment
Let me hear your thoughts!