KASINUNGALINGAN

10:45 PM

       Ang sanaysay na ito ay pawang katotohanan lamang. Tinatalakay ang mga bagay na iyong maiintidihan.Kahit ang mangmang, maipapaliwanag. Bawat salita ay kaugnay sa maraming mahahalagang bagay sa mundo. Hindi mo maiisip na kasaysayan lamang ng panahon.

Isang gabi, makatirik ang araw, gulat ang mga tao sa paligid. Inaasahan nila ang pangyayaring iyon.
Mula sa madilim na langit ay bumaba ang isang hugis bilog na sasakyan. 
Dumilim ang paligid nang biglang magbukas ang pintuan ng sasakyan. 
Mula sa pinto ay dahan-dahang lumabas ang isang babae na nakadamit ng itim. 
Mababasa sa kanyang maliwanag na damit ang salitang "KATOTOHANAN".

               Napansin ko ang napakahalagang leksyon na mautututunan mula sa storyang ito. Nakikita ko sa aking imahinasyon kung paanong dumating ang katotohanan sa aking isipan at naisulat ko ang sanaysay na ito. Dito nagsisimula ang lahat.



You Might Also Like

0 comments

Let me hear your thoughts!