Mar 21, 2012

FREEDOM!!!

Kung sino man ang nag-iisip o nagsasabi na ang pagiging independent ay palaging nakakatuwa, aba'y nagkakamali sila.
Matatapos na ang first school year ko sa AUP at ten months na din akong nagdodorm. Masaya, syempre pero may halong kakaibang feelings pa din. Kumbaga sa ulam, may mga kakaibang spices na depende sa tumitikim o sa kumakain kung magugustuhan nila yung lasa o hindi.
Sa akin, bago ang ulam na to, kakaiba pero kilala. May mga ulam kasi na matagal mo nang alam na may ganun pero bago at kakaiba sayo kasi ngayon mo palang matitikman.
At ganun ako sa pagdodorm. Lalo na nung unang naisip ko palang na magiging independent ako.
Kahit sino naman siguro excited. Pwera lang dun sa mga talagang hindi nasanay na malayo sa mga magulang. Na-excite ako kasi dagdag XP.
Unang gabi, akala ko hindi ako makakatulog pero namangha lang ako dahil ang sarap pa nga ng tulog ko. Siguro kasi nakapag-mind set na kaya di na nahirapan yung utak at katawan ko mag-adjust. Ganun na din nangyari sa mga sumunod pang mga gabi. Maayos ang tulog at paggising sa umaga, alam kong nasa taas pa din ako ng double-deck na kama.
Pero, habang dumadaan ang marami pang mga araw, habang lumilipas ang bawat linggo at buwan, nagsisimula na rin talagang magsink-in sa akin na ganito ako sa loob ng limang taon ng pag-aaral. Unti-unti ko nang nalalasahan ang ulam. Tikim lang kasi yung una.

Bakit di porke't independent laging masaya?

  1. Nagdorm ka para mapalapit sa school, hindi para mapalapit sa gala. Ganun kasi iniisip nung ibang mga estudyante. At hindi lang nila naiisip, gumagala talaga sila. Hindi masaya ang puro school, di'ba? Haha.
  2. Kung ipapakita mo agad ang itim mong kulay sa mga taong bagong kilala mo palang, mahirap magkaroon ng kaibigan. Pero wag ka mag-alala kasi sigurado namang may makakaintindi parin sayo. Pero ang dabest pa din, unti-unti ang pagpapakilala sa sarili.
  3. Boring. Kung wala kang class from Friday to Sunday, anong gagawin mo sa loob ng tatlong araw? Ako? Natutulog. Pero nagsisimba ako every Saturday.
  4. Kung nasa bahay ka, pwedeng may maglalaba para sa'yo o kaya naman ay may washing machine para mapadali. Pero pag mag-isa, problema ang labahin. Yun bang mga pagkakataon na pagbukas mo ng locker, marerealize mong bigla na wala ka na palang masusuot na underwear kasi di ka pa nakakapaglaba AT WALANG MAGLALABA PARA SA'YO. Pwera nalang kung mayaman ka at kaya mong ipalaba ang damit sa iba.
  5. Kung uwian ka sa bahay, maasahan na may FOODSS sa ref o kaya sa lamesa. Kahit di mo paborito, basta may makakain pagkatapos ng isang buong araw na tunganga sa klase, pwedeng mabusog. Pag mag-isa? Masaya sana kung may makakasabay kumain sa cafeteria pero pano kung naabutan na walang kasama o kaya naman eh sarado na ang caf? Itulog mo nalang ang gutom at pagod. O di kaya, tulad ng sabi ng roommate ko, "Ang taong gutom, canton ang nilalamon." Maswerte ka kung may stock ka ng canton, cereal drinks, biscuits, o kung ano pang pantawid gutom, at least, nakaraos.
  6. Kung in-campus ang dorm, kailang magcomply sa rules and regulations ng university - ang curfew, ang magsweethearts, ang gatepass (sa AUP meron, ewan ko lang sa ibang universities), ang ID.. at kung ano pa. Kung hindi, makakakuha ng infraction mula kay kuyang guard at kailangan mong kausapin ang kung sino mang nasa Students' Affairs Office.
  7. Pag naubos ang allowance, oh my lumbay.
  8. Mabagal/ mahirap ang internet connection. Pero di naman sa lahat ng pagkakataon.
  9. Kung hindi friendly, I'm sorry.
  10. Haaaay. Tulala na ko, wala na kong maisip eh.
Oh ayan. Kung sa tingin niyo masaya ang pagdodorm, GO! Masaya talaga! Promise!

2 comments:

Let me hear your thoughts!

< > Home
emerge © , All Rights Reserved. BLOG DESIGN BY Sadaf F K.