Day 5: Something you would change about the world.
Hindi ko babaguhin ang mundo. Babaguhin ko ang mga tao na nasa mundo. Kaso hindi yun ang sinasabi ng Day 5. Pero kung bibigyan man ako ng pagkakataon para baguhin ang mundo hihilingin ko na isang araw lang.
Ganito kasi gusto kong mangyari:
-Aalisin ko ang gravity. Di ko pala aalisin, babawasan ko lang. Para lahat makatesting man lang makalipad kahit kaunti.
-Lahat ng kalsada, gagawin kong ilog. Pupunta kang palengke, nakabangka. Tapos may traffic pa din at mga road signs tulad ng, "No entry, CROCODILES' ZONE." O diba, wala ng pollution, exercise pa dahil sa kasasagwan.
-Padadamihin ko pa mga puno. Masyado na kasing madami ang tao sa mundo, hindi maganda kapag hindi balance ang Oxygen-Carbon Dioxide Cycle. Ayaw ko namang puro Carbon Dioxide na malalanghap ko, di naman ako mukhang puno.
-Gagawin kong square ang mundo. Kamusta naman kaya nun ang araw at gabi? Haha.
-Aalisin lahat ng peste. Di lang mga pesteng insekto, pati mga pesteng tao. Hoho.
-Pati ang Philippines, makaka-experience ng Four Seasons of Weather. Gustong-gusto ng mga pinoy na ma-experience ang winter at fall di'ba? Ayan, edi mararanasan na!
-Aayusin ko ang ozone layer. Kung pwede lang tapalan yun ng vulca seal, aba'y tatapalan ko talaga. Para kahit anong init o lamig man ang danasin, kakayanin!
-Lahat ng mabangis na hayop, magiging maamo. Edi talagang bagong-bago: "The Lion is man's bestfriend."
O kung di man lion, pwede din naman ang snake o kaya ang shark.
Isang araw lang talaga ang hihilingin ko. Makaranas man lang talaga ng kakaiba. Pero sa ilalim talaga ng mga imahinasyon na iyan, may mga seryosong bagay talaga akong gustong mangyari. Unang-una na ang paglutas sa global warming na talaga namang ang buong mundo ngayon ay nararanasan na ang mga matitinding kalamidad na dulot nito. At ang dahilan ng global warming? Polusyon. Ang sunod nga ay ang polusyon na kahit anong buti man ang nagagawa ng teknolohiya sa ating araw-araw na gawain, kung ang buhay naman ay tiyak na magiging sandali lang ang itatagal dulot ng mga sakit gawa ng polusyon, wala ding silbi. Ang ikahuli naman at ang dahilan ng polusyon ay ang tao. Kung lahat ng tao sa buong mundo ay disiplinado, di na kailangang baguhin ang mundo.
like..!!!
ReplyDeletehehe,,:)
haha. salamat tuko. :D
ReplyDelete