Happy 18th Chi!

11:00 PM

Ang tanging naka-upo sa lapag, the Birthday Girl. :D

I missed these guys so much!
At last! nakita ko ulit sila kanina. Kulang kami ng dalawa. Sayang talaga, pero marami pa namang next time para makasama sila ng kumpleto. :)
18th birthday kasi ni Rhacell, ang model ng SUBO.
We had so much fun! Lagi naman kaming ganon pag magkakasama. Kaya nga super namiss ko sila.
Kahit simple lang naging celebration ng debut ni Chi (Rhacell), super happiness talaga. At alam naming masaya din sya.
8:00 am, nagkita-kita kami sa Jolibee Robinsons (7:00 am talaga usapan pero Filipino time eh). Dumating kami sa Tagaytay at around 9:00 at isang malaking surprise yun kay Chi! Nag group message sya samin early in the morning at sinabing MANDATORY ang ATTENDANCE sa kanyang birthday. Pero dahil hindi niya alam na plano na talaga naming pumunta sa kanila, nagreply kami sa kanya na hindi kami makakapunta. At pagdating namin sa bahay nila, talaga SURPRISED sya, naiyak pa nga eh. Hindi niya talaga ineexpect na dadating kami.
Ang sarap sa feeling na mapasaya mo yung kaibigan mo sa simpleng pagsurprise lang sa kaniya. :)

Games! 
Ang sarap ng foods na luto ng kanyang Mother Dear. Nakakalaki ng tyan dahil kakain ka talaga ng kakain. Ang saya din magkantahan ng magkantahan, hindi sa videoke kundi with the guitar and song hits! Napagtripan din namin ang Ipad ni Sir Noel. Haha. Picture-picture at nilaro lahat ng games. Hanggang sa natigil sa Unblock Me na game. Nilampasan ang record ni Sir na 100th level in just few hours. Haha. Like a boss!

The Henna Tattoo! 
At ang pinaka-highlight ng birthday ni Chi, ang Henna Tattoo. Si Ella ang nagdrawing at ang birthday girl ang naghenna. Medyo matagal ang yung paghenna, mano-mano ba naman. Bumili lang kami ng balck hair dye tapos yun, gumawa ng mixture, nagdrawing si Ella, tapos inapply ang mixture. At maganda ang kinalabasan! :D Pwede ng business ng SUBO! Haha.

Chi with her pumps.
Muntik ko na pala malimutan, ang pumps na gift namin kay Chi. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumps. Pano ba naman, wala akong alam sa fashion. Kung hindi pa siguro namin niregaluhan si Chi ng pumps, di ko malalaman kung ano yun. >.<
At the end of the day, kahit na sobrang kaba ko dahil 4pm sabi ko kay Mama na uuwi ako pero 7pm kami naka-alis sa Tagaytay, MASAYA talaga. Minsan ko lang sila makasama kaya happiness talaga.
BESTEST GIRLFRIENDS EVER. <3
Happy, happy Birthday again to Rhacell! May God bless her more of everything that is wonderful.
Sa next birthday ulit! :)


You Might Also Like

0 comments

Let me hear your thoughts!